Huwebes, Setyembre 8, 2016

Mga Aral sa Buhay na natutunan ko sa aking mga Magulang. :)



        Hindi talaga mapapantayan ang pagmamahal meron ang aking mga magulang. Sa aking tatay na nagtatrabaho upang mayroong makain ang aming pamilya at sa aking nanay naman na walang sawa sa pag-aaruga sa amin. Ginagawa nila ang lahat upang maibigay sa amin ang mga pangangailangan namin.
   Maraming magaganda at makabulahang aral na itinuro sa akin ng aking mga magulang at patuloy nilang pinapaalala sa akin hanggang ngayon. Isa-isahin natin ang mga ito.
  • Maging mabait sa iba. Palagi itong sinasabi sa akin ng aking mga magulang noong ako'y maliit pa lamang at ito'y nakatulong sa akin ng malaki kaya't nagkaroon ako ng marami at mababait rin na mga kaibigan!
  • Palaging magpakumbaba. Kahit gaano man kalayo ang marating natin sa buhay, dapat manatili parin tayong magpakumbaba sa kapwa natin.
  • Palaging magdasal sa Diyos. Ang pagdadasal ay isa sa mga naging importanteng bagay sa aming pamilya noon at ngayon. Kasama narin dito ang palaging pagsamba sa simbahan tuwing Linggo.
  • Makuntento sa buhay na meron tayo. Kung ano ang meron tayo, dapat tayong makuntento at sa halip magpasalamat na lamang sa mga magagandang bagay na nangyari sa ating buhay.
  • Tanggapin at makuntento sa kulang gayundin sa sobra. Hindi natin maiiwasan na may mga panahon talagang tayo'y nagigipit at may mga panahon ring sobra-sobra ang mga bagay na meron tayo. Alinman sa dalawa ang maranasan, dapat matuto tayong tanggapin at makuntento dito at huwag kalimutang magpasalamat pa rin sa Panginoon.
  • Marunong tumanggap ng kabiguan. Alam naman natin na hindi sa lahat ng panahon nakukuha natin ang tagumpay na ninanais natin kung kaya't dapat marunong tayong tumanggap sa ating mga kabiguan at sa halip ay gawin natin itong isang inspirasyon, gabay, at isa na ring magandang aral sa buhay.
  • Magdiwang ng mga espesyal na okasyon kasama ang pamilya. Kahit na abalang-abala sa trabaho ang aking tatay, hindi parin niya binabalewala ang mga araw na dapat kami'y magkakasama. Dito ko natutunan na mahalaga ang pagkakasama ng pamilya kaya't sinusulit talaga namin ang mga pagkakataon kapag kami ay magkakasama.
  • Huwag hanapin ang kayamanan sa pera. Ang tunay na kayamanan ay hindi nasusukat kung gaano karami ang pera meron tayo. Ito ay kung paano natin napapanatili ang kapayapaan at pagmamahalan sa isa't-isa.
  • Maging matapat palagi. Isa sa mga mahalagang turo sa akin ng aking mga magulang na hanggang ngayon ay dalang-dala ko pa rin.
  • Tumawa ng madalas. May problema man tayo o wala, mas maging masaya at makabuluhan ang kahulugan ng buhay kung tayo ay marunong tumawa!

     Iyon ay iilan lamang sa mga mahahalagang aral sa buhay na itinuro sa akin ng aking mga magulang. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa ating Panginoon sa pagbigay sa akin ng magulang na katulad nila. Hindi masusukat ang pasasalamat at pagmamahal ko sa kanila at pinapangako ko sa aking sarili na balang araw susuklian ko rin lahat ng kanilang sakripisyo at paghihirap para sa amin!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento